NONIEmyLAVsosweet
Kabaduyan
Ang pag-ibig ay baduy.
Tatanggapin mo lahat, hindi lang ang kabutihan kundi pati ang masama sa isang tao. Ang mga pagkukulang, ang mga kakaibang ugali at mga pagkakamali. Sa huli, mangangako ka sa sarili mo na mamahalin ang taong ito nang habang buhay. Ang baduy di ba?
Tulad ng kanta ni April Boy, na halos di mo rin matanggap ang lyrics. "Kahit sino ka pa, basta't mahal kita". Sobrang baduy di ba.
Pero bakit patok ang kanta ni April Boy?
Kasi totoo.
Title pa lang, maririnig mo na yan sa mga magka "Situationship" at mag-asawa. Sa stanza, alam mong hindi perpekto ang may akda pero sigurado sya sa nararamdaman nya. Point is, baduy talaga ang pag-ibig lalu na pag totoo. Mas-baduy, mas corny, mas totoo.
Kung hindi mo magawang matagalan ang kanta ni April Boy, malamang hindi ka pa umibig.
Kaya matuto kang ma-inlove at umibig ng tunay sa Prenup Videoke nila Nonie at Eris.
Hungry Soles Studios
Throttle Happy
Tanawin sa Gulod Restaurant
Kapihan ni Gunyong
#autopilotjez #TheFilmCollectivePH #throttlehappy #HungrySolesStudios